Bigay-todo nang umawra ang public figure-beauty queen na si Nicole Cordoves para sa huling araw ng Pride month.

Makikita sa Instagram post ni Nicole kahapon ng Sabado, Hulyo 1 ang bigay-todo na niyang pag-awra kasabay ng pagdalo nito sa ginanap na paglunsad ng “Rainbow Research Hub,” isang proyekto para sa LGBTQI.

Ayon pa kay Nicole, malaking tulong ang nasabing proyekto para sa LBGTQIA+ community.

“The University of the Philippines officially launched the Rainbow Research Hub, which is a pioneering collaborative project that seeks to make a difference for the LGBTQI community in the Philippines through better LGBTQI scholarship and research.” aniya.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“One of the goals of the Hub is that through its resources, there will be more LGBTQI-responsive policies that will be crafted—creating a more socially just world.” dagdag pa niya.

Matatandaang naging malapit sa puso ni Nicole ang LGBTQIA+ community dahil sa pagiging regular judge niya sa dating segment noon sa “It’s Showtime” na Miss Q&A kung saan binansagan siyang “Miss on-point”.