Isang taga-National Capital Region (NCR) ang nanalo ng ₱61.2 milyong jackpot sa Lotto 6/42 draw nitong Sabado ng gabi, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa abiso ng PCSO, nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination na 18-25-12-14-13-22 kaya iuuwi nito ang premyong ₱61,234,178.20.

Nilinaw ng PCSO, nabili ng lucky bettor ang kanyang ticket sa Manuela Subdivision sa Las Piñas City.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Pinayuhan naman ito ng PCSO na magtungo lamang sa kanilang punong tanggapan sa Mandaluyong City at iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang valid identification (ID) cards upang makubra ang premyo

Bubuwisan ng 20% ang naturang premyo alinsunod na rin sa TRAIN (Tax Reform for Acceleration and Inclusion) Law.

Sakaling hindi makubra sa loob ng isang taon, mula sa petsa nang isagawa ang draw, forfeited o mawawalan na nang saysay ang premyo at mapupunta ito sa kawanggawa.