Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Linggo ng madaling araw, Hulyo 2, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 3:48 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 165 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental, na may lalim na 2 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.