Pinawi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang pangamba ng publiko sa banta ng tsunami sa bansa kasunod ng pagtama ng 6.7-magnitude na pagyanig sa Tonga Islands nitong Linggo ng gabi.

National

1,322 sa 1,992 umano’y recepients ng confi funds ng OVP, walang birth records sa PSA

"No destructive tsunami threat exists based on available data. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake," ayon sa abiso ng Phivolcs.

Dakong 6:27 ng gabi nang maramdaman ang malakas na pagyanig malapit sa nasabing lugar.

Umabot sa 246 kilometrong uka ang nilikha ng pagyanig, ayon pa sa ahensya.