
(Manila Bulletin File Photo)
₱61.2M jackpot sa 6/42 Lotto draw, tinamaan
Isang mananaya ang nanalo ng ₱61.2 milyon sa ginanap na 6/42 Lotto draw nitong Sabado ng gabi.
Sa pahayag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang winning combination na 18-25-12-14-13-22 na may nakalaang premyong ₱61,234,178.20 ay nahulaan ng isang mananaya.
Sa draw naman ng 6/55 Grand Lotto nitong Hulyo 1, wala namang nanalo ng jackpot na aabot sa ₱47,791,236.20 para sa winning combination na 21-26-15-48-35-30.
Binobola ang 6/42 Lotto tuwing Martes, Huwebes at Sabado at tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado naman ang draw ng 6/55 Grand Lotto.