Niyanig ng magnitude 4.5 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Sabado ng tanghali, Hulyo 1, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 12:42 ng tanghali.

Namataan ang epicenter nito 121 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 15 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.