Magkakaroon na naman ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau (OIMB), posibleng mabawasan ng mula ₱.70 hanggang ₱.95 kada litro ang presyo ng kada litro ng gasolina at kerosene habang mula ₱.70 hanggang ₱.85 naman ang posibleng bawas presyo sa kada litro ng diesel.

Sinabi naman ng source mula sa industriya na ₱.60 hanggang ₱.90 ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel habang ₱.80 hanggang ₱1.10 ang ibabawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Paliwanag ni DOE-OIMB director Rino Abad, ang bawas-presyo ay bunsod ng interest hike ng United Kingdom at inaasahang susunod din ang Amerika bilang pangontra sa bawas produksyon ng Saudi Arabia.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Kaugnay nito, sinalubong din naman ng malakihang bawas sa presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ang pagpasok ng Hulyo.

Ayon sa Petron, tatapyasan nila ng ₱3.70 ang kada kilo ng LPG na katumbas ng ₱40 kada 11 kilo ng tangke.

Nasa ₱2.07 naman ang ibababa sa presyo ng kada litro ng Auto LPG.