Animnapu't lima pang pagyanig ang naitala sa Bulkang Mayon na sinabayan ng pagbuga ng mga bato.

Sa nakalipas na 24 oras na pagbabantay ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala rin ang pagragasa ng lava na umabot ng 2.23 kilometro hanggang sa Mi-isi Gully.

Nasa 1.3 kilometro naman ang naapektuhan ng lava sa Bonga Gully.

Naobserbahan din ng Phivolcs ang 54 rockfall events na sinabayan ng 65 na pagyanig at 17 dome-collapse pyroclastic density current (PDC) events.

Eleksyon

Vice Ganda, suportado kandidatura ni Benhur Abalos

Namataan din ng Phivolcs ang 1,002 toneladang sulfur dioxide na ibinuga ng bulkan nitong Hunyo 30.

Patuloy pa rin ang pamamaga ng bulkan, ayon sa ahensya.

Ipinaiiral pa rin ng Phivolcs ang level 3 na alert status ng bulkan na nangangahulugang posibleng sumabog ito anumang oras.

Nitong Biyernes, binalot ng shfall ang malaking bahagi ng Tabaco City sa Albay kung saan naapektuhan nito ang libu-libong residente.