Pinainit ng apat na "Kings of the Dancefloor" ang stage ng "It's Showtime" matapos magpasiklab ang dating pioneer members ng dance male group na "Street Boys" at hosts ng nabanggit na noontime show na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario, ka-back-to-back ang Kapuso dance heartthrobs at magkapatid na Rayver at Rodjun Cruz.

Masayang-masaya si Rayver na muli niyang naka-share sa stage sina Vhong at Jhong; sa katunayan, ibinahagi pa ni Rayver ang video clips at mga larawan nila habang sumasayaw, sa kaniyang Instagram post na naka-tag din sa kapatid na si Rodjun.

Naging bahagi ang magkapatid gayundin ang iba pang Kapuso stars sa grand launching ng Showtime sa GTV channel ngayong Hulyo 1.

"So happy to be sharing the stage again with our idols and mga kuya! @jhonghilario @vhongx44 solid!! Thank you @itsshowtimena!," ani Rayver sa kaniyang Instagram post.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Tumugon naman dito si Vhong, "Grabe! Namiss ko kayong makasayaw Kuys @rayvercruz and Kuys @rodjuncruz Maraming salamat sa inyo."

"@vhongx44 sobrang thank you kuya vhong ang saya miss ko kayo kuys lupit! Nxt time ulit pls hahaha Godbless you always kuys!!" sagot naman ni Rayver.

"@vhongx44 Namiss namin kayo sobra Kuya Vhong. Karangalan na makasama kayo ulit sa Stage. Saya super! Idols Labyu! Thank you," ani Rodjun.

Nagkomento naman din si Jhong sa post.

"Great to see and dance with you again Bros Raver and Rodjun! Thank you sa inyo!," saad ni Jhong.

Tugon naman dito ni Rayver, "@jhonghilario solid maraming salamat kuya jhong! Labyu guys mga idol!"

"@jhonghilario solid Kuya Jhong! Labyu! Sa uulitin. Saya!" pahayag naman ni Rodjun.