Wagi ang panlaban ng Pilipinas na si Krizha Lovell Manaois matapos hiranging  “Miss Humanity International 2023.”

Naganap ang kahapon ng Biyernes, Hunyo 30 sa bansang Vietnam kung saan nasungkit ni Krizha ang pagkapanalo para sa Pilipinas.

Makikita naman sa Facebook story ni Krizha ang mirror shot nito habang hawak ang isang bouquet of flowers at mababasa ang text na “Thank you Vietnam” na pasasalamat nito sa nasabing bansa kung saan ginanap ang pinagwagihang pageant.

Sa kabilang banda, kasabay nitong nag-uwi rin ng titulo ang panlaban ng Pilipinas na si Jan King Manguait II matapos hiranging  “Mister Humanity International 2023” sa parehas na bansa.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, bumuhos naman ang pagbati ng netizens na nagbigay-komento sa Facebook post ng isang Philippine pageants page: 

“first international crown for quirino province congrats Philippines.”

“Congratulations we are proud of u as well as to your handler”

“Wow!! Di kaya biro ang back to back win. Nakakapresure talaga, but anyways deserve naman niya.”

“So proud of you .”

“Congratulations .”

“Congratulations .”

“Congratulations .”

Mula pa sa probinsiya ng Quirino sa Krizha na bago pa lumaban sa nasabing pageant ay itinanghal nang “Ms. Eco Youth Tourism Advocate Philippines 2022.”