Isa sa mga celebrity na nagpahayag ng simpatya sa nangyari sa komedyanteng si Awra Briguela ay ang DJ at naging housemate ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10 Celebrity Edition" na si Karen Bordador, na minsan nang nakulong ng halos limang taon dahil sa isang krimeng wala naman umano siyang kinalaman, na nangyari noong 2016.

Biglang nagbago ang takbo ng buhay ni Karen ng ilang segundo lang matapos maisipang magtungo noon sa bahay ng kaniyang ex-boyfriend na si Emilio Lim, pagkatapos ng kaniyang trabaho sa radio station. Biglang dumating ang kapulisan at hinuli silang lahat, matapos magsagawa ng illegal drugs buy-bust operation. Wala raw kamalay-malay si Karen sa ganoong klaseng aktibidad.

Makalipas ng limang taon ay nakalaya rin si Karen matapos mahatulang "not guilty" ng Pasig Regional Trial Court Branch 151, sa sala ni Presiding Judge Maria Paz-Reyes-Yson, noong 2021.

At dahil nga sa nabalitang nangyari kay Awra matapos masangkot sa rambulan sa isang bar, inilarawan ni Karen sa kaniyang social media accounts ang personal na karanasan sa loob ng precinct jail.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

MAKI-BALITA: Private: Awra Briguela, arestado matapos masangkot sa isang kaguluhan sa Makati

"Precinct jails are the worst. No food, lots of rats and cockroaches. Plus super tiny! You’re all cramped up in a little cell with so many different personalities. No idea how Awra’s jail is but I hope she’s safe! Hope her lawyers get her out fast! She doesn’t belong in a cell!" ani Karen sa kaniyang Twitter post kahapon ng Biyernes, Hunyo 30, 2023.

https://twitter.com/Karen_Bordador/status/1674458265416269824

https://twitter.com/Karen_Bordador/status/1674448513437151232

Batay rin sa karanasan, inisa-isa ni Karen ang proseso kapag dinala sa bilangguan.

"What happens when you get brought in jail?"

"1. You get brought to the precinct of the city you were “arrested” in."

"2. Booking: get your infos, thumbmarks etc (mine though took 4 days)."

"3. Medical examination: You get checked for injuries etc. (nobody looked at me)."

"4. Detention cell."

https://twitter.com/Karen_Bordador/status/1674608460875563014

Sa kaniyang Facebook post naman, Biyernes, Hunyo 30, 2023, napa-reflect si Karen sa kalagayan ni Awra.

"Reflecting on AWRA’s situation… Some people assume that when a person’s life’s sensationalized in their worst crisis, they can simply judge others and persecute them. It’s baffling that even educated family people speak such negative words riding on to judging others. Really? Family photo on your profile yet you speak so heartless. Things like this can happen to ANYONE. The thread goes on mocking Awra’s situation."

Dito ay muli niyang binanggit na "terible" ang kalagayan ng mga bilangguan sa Pilipinas.

"I wanted to paint a picture of what a precinct of any jail is. It’s terrible! In the Philippines they don’t provide food, you sleep on the floor that’s super cold with the cockroaches and mice and so on. You’re all cramped up like sardines. Best to sympathize and just pray for her."

"After I was released 2 years ago I saw on my professional account of messages from established individuals that wished me dead etc. I replied to some and they said that weren’t them… they were 'hacked!' Right… Instead of y’all being a source of values… you influence others to follow your lead."

"We need to protect each other and not pull down one another. None of us know the exact story of what happened to Awra but her situation already sucks. Please be kinder!" dagdag pa ni Karen.

Screenshot mula sa FB ni Karen Bordador

Naniniwala si Karen na kailangan nang mapalaya si Awra sa lalong madaling panahon mula sa piitan upang maipagtanggol niya ang kaniyang sarili.