Nasamsam ng Philippine Coast Guard (PCG) ang ilang kahon ng umano'y smuggled na sigarilyo sa isang daungan sa Cebu City kamakailan.

Sa report ng PCG, nakatanggap ng impormasyon ang Coast Guard-Tinago Sub-station kaugnay sa kahina-hinalang 16 na kahon ng sigarilyo sa Pier 5, Cebu nitong Hunyo 28 ng hapon.

Kaagad na kinumpiska ang mga nasabing sigarilyo at tatlong bundle ng pinatuyong dahon ng tabako na hindi pa madetermina ang halaga.

Nasa kustodiya na ng Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang ilegal na sigarilyo.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad ang naturang kaso.