“Kapamilya-Kapuso Unite!”

Nagsilbing pasabog ang opening production ng “It’s Showtime” matapos magsama-sama sa isang performance ang ilang Kapamilya at Kapuso stars sa gitna ng pagsisimula ng noontime show sa pag-ere sa GTV nitong Sabado, Hulyo 1.

Pinangunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis ang naturang opening prod sa pamamagitan ng isang awitin kasama ang buong hosts ng It’s Showtime.

Pagkatapos nito, sumayaw na sa stage ang sina Vhong Navarro at Jhong Hilario kasama ang Kapuso brothers na sina Rodjun at Rayver Cruz.

National

Pag-imbestiga ng Senado sa drug war ni ex-Pres. Duterte, magandang ideya – Pimentel

Umawit naman si Amy Perez kasama sina Pokwang at Jolina Magdangal.

Sumunod namang umawit sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz kasama ang singing champions na sina Erik Santos at Kapuso singer Mark Bautista.

Samantala, tila mas uminit pa ang It’s Showtime stage sa pamamagitan ng dance performance ng host na si Kim Chiu kasama ang Kapamilya stars na sina Belle Mariano at Alexa Ilacad, at ang Kapuso star na si Barbie Forteza.

Sinundan ito ng hot dance number nina Jackie Gonzaga, Chie Filomeno, at Kapuso star Sanya Lopez.

Nag-perform din sa opening prod ang iba pang hosts ng It’s Showtime tulad nina Ryan Bang, Ion Perez, Cianne Dominguez, MC at Lassy, at ang mga “Batang Cute-po.”

Isa rin sa mga nagmistulang highlight ng opening production ang ginawa ni Vice kung saan sumakay siya ng helicopter mula sa compound ng ABS-CBN patungong GMA Network at nag-perform sa teritoryo ng GMA.

Matapos ang opening production ng programa, tila excited pang bumati ng “What’s up, Madlang People” ang Kapuso stars tulad nina Barbie, Sanya, Rayver at Rodjun.

Bumati naman ng “What’s up, Madlang Kapuso” ang Kapamilya stars tulad nina Belle at Alexa.

Simula ngayong Sabado, mapapanood na umano ang “It’s Showtime” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at sa bago nitong tahanan na GTV.