“Ending Pride Month w/ a somber reminder of why we need #SOGIEEqualityNow.”

Ito ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros nitong Sabado, Hulyo 1, kasabay ng kaniyang panawagang imbestigahan ang nangyaring pag-aresto sa komedyanteng si Awra Briguela.

“We urge the PNP leadership to investigate the arrest of Awra Briguela, as well as the way it was conducted on an unarmed woman. Yung nagtanggol pa sa kaibigan na hinarass, siya pa ang inaresto,” ani Hontiveros sa kaniyang Twitter post.

Binanggit din ni Hontiveros ang iginiit kamakailan ng mga kaibigan ni Awra na nasangkot lamang umano ang komedyante sa gulo dahil pinagtanggol daw niya ang mga kaibigan mula sa lalaking nang-harass umano sa kanila.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“Under the Safe Spaces Act, we urge law enforcement to investigate the alleged harassment of the women, Zayla & Mary Joy, being defended that night. Dapat nakatutok tayo sa totoong krimen,” ani Hontiveros.

“This reflects poorly on the capabilities of the PNP. A case of the narrow-sightedness and injustice of transphobia and misogyny,” saad pa niya kasama ang hashtag na #JusticeForAwra.