Tuloy pa rin ang awra ng actress-singer na si Janella Salvador matapos daw itong hindi umabot sa pagdiriwang ng “Pride month” sa Hongkong.

Sa Instagram post ni Janella nitong Biyernes, Hunyo 30, makikita ang bandanang nakasuot sa kaniyang ulo bilang representasiyon ng pakikiisa niya sana sa nasabing pagdiriwang.

Sabi pa ni Janella, excited pa naman siyang suotin ang cute nitong bandana para sa pagdiriwang ngunit hindi na ito umabot.

Was excited to wear this cute little bandana to the celebration but I couldn’t make it.” aniya.

National

LPA, nabuo sa loob ng PAR matapos ang paglabas ng bagyong Carina

Nagpaabot pa si Janella ng kapayapaan, pagmamahalan at pride mula pa sa bansang Hongkong kung saan siya naroroon.

“Wishing you tons of peace, love & #pride all the way from Hong Kong.” dagdag pa niya.

Matatandaang huling napanood sa telebisiyon si Janella bilang “Valentina” sa teleseryeng “Darna”  taong 2022.