Natimbog ng mga awtoridad ang isang 20-anyos na estudyante matapos i-claim ang isang package na naglalaman ng halos ₱4 milyong halaga ng cannabis oil sa Pasay City nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na isinapubliko ang pagkakakilanlan ng claimant na taga-Calumpit, Bulacan.

Ang nasabing estudyante ay inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs-Ninoy Aquino International Airport (BOC NAIA), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) sa loob ng Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City matapos niyang kunin ang padala na nagmula pa sa United States of America.

Ang nasabing package na idineklara bilang "used playing cards" ay naglalaman ng cannabis oil na nasa 170 na vape pen cartridge na minarkahang "Cookies" at 323 pa na vape pen cartridge na may markang "Cake."

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Ipinadala ang mga ito sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act 9165) at Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).