Ikinasa na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang ikalawang bugso ng pamamahagi ng relief goods sa mga evacuee na apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon sa Linggo, Hulyo 2.

Sa Facebook post ng ahensya nitong Sabado, ang naturang hakbang ay alinsunod na rin sa kautusan ni DSWd Secretary Rex Gatchalian kamakailan.

Partikular na inatasan ng kalihim ang Bicol Regional Office nito upang ipamamahagi ang 28,810 na family food pack (FFP) sa mga local government unit.

Gayunman, sinabi ng DSWD na tatagal lamang ng 15 araw ang nasabing food supply.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Matatandaang lumikas ang libu-libong residenteng sa gitna ng tumitinding pag-aalburoto ng bulkan.