Pinalawig ng Ministry of Foreign Affairs (MOFA) ng Taiwan ang trial visa-free entry para sa mga piling bansa, kabilang na ang Pilipinas, mula Agosto 1, 2023 hanggang sa Hulyo 31, 2024.

Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 30, inanunsyo ng MOFA ang naturang pagpapalawing matapos umanong suriin ang pagiging epektibo ng panukala.

“After evaluating the effectiveness of the above convenience measures over the past years and considering the need to revive mutual bilateral exchanges and tourism in the postpandemic era, participating agencies decided to extend the trial visa-free entry measure for one year for nationals of Thailand, Brunei, and the Philippines from August 1, 2023, to July 31, 2024,” saad ng MOFA.

“The Project for Simplifying Visa Regulations for High-end Group Tourists from Southeast Asian Countries will continue for a further year through December 31, 2024,” dagdag nito.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ayon pa sa MOFA ng Taiwan, magpapatuloy sila sa pagrepaso ng mga visa policy para palakasin ang mga bilateral exchange at makaakit ng mas maraming bisita habang tinitiyak ang pampublikong seguridad.

Patuloy din umano silang makikipag-ugnayan sa mga pamahalaan ng mga kaugnay na bansa upang mapahusay ang visa treatment para sa mga mamamayan ng Taiwan at gawing mas maginhawa ang kanilang paglalakbay sa ibang bansa.