Itinalaga ni Pope Francis nitong Huwebes, Hunyo 29, si Bishop Moises Cuevas bilang bagong obispo ng Calapan sa Oriental Mindoro.
Ayon sa CBCP, ang bagong obispo ng Apostolic Vicariate of Calapan na si Bishop Cuevas, 49, ang nananatiling pinakabatang Catholic prelate sa bansa.
“Born in Batangas City, he was ordained a priest for the Zamboanga archdiocese in 2000. The pope appointed him as its auxiliary bishop in March 2020,” anang CBCP.
Si Bishop Cuevas ang auxiliary bishop ng Archdiocese of Zamboanga.
Kasalukuyan umanong naglilingkod ang obispo bilang apostolic administrator ng archdiocese, habang hinihintay ang pagluklok ng bagong arsobispo nito na si Julius Tonel sa Agosto 22.
Bago italagang obispo ng Calapan si Bishop Cuevas, si Bishop Warlito Cajandig, 79, ang dating humawak sa posisyon mula taong 1989 hanggang 2022.
Inihayag ng Vatican noong Nobyembre 2022 ang pag-liberate ni Pope Francis kay Bishop Cajandig mula sa kaniyang opisina dahil sa usapin ng kalusugan nito.
Nang ma-stroke si Bishop Cajandig noong 2018 at sumailalim sa brain surgery, nagtalaga ang pontiff ng apostolic administrator upang pamahalaan ang vicariate bilang kapalit niya.