Wagi ang panlaban ng Pilipinas na si Michael Ver Comaling matapos hiranging “Mister National Earth 2023.”

Naganap ang “Mister National Universe 2023” noong Martes, Hunyo 27, sa Amari Watergate Bangkok, Thailand, kung saan nagwagi si Michael bilang “Mister National Earth 2023.”

Matatandang all smiles at parang hindi manlang kinakabahan sa mga larawang ibinahagi ni Michael bago ito lumipad biyaheng Thailand. 

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/06/20/ex-pbb-housemate-michael-ver-comaling-biyaheng-thailand-para-sa-mr-national-universe-2023/

National

PBBM, masayang ligtas si Donald Trump mula sa 'assassination attempt'

Sa kaniyang latest Instagram post, mas doble ang ngiti ni Michael hindi lang dahil nagwagi bilang Mister National Earth kundi dahil na nasungkit din niya ang special award na “Mister National Photogenic.”

Nagpasalamat din siya sa mga taong sumuporta at gumabay sa kaniya. 

“Mabuhay Philipines! Mister National Earth 2023 is Ours!🏆 won the Mister National Photogenic as well! 📸 Inaalay ko ang karangalan na ito sa mahal kong PILIPINAS ❤️,” mababasang caption sa naturang post.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati ng netizens na nagbigay-komento:

“CONGRATS MAYKIL!!!!!!👏🏻👏🏻👏🏻.”

“Congratulations Michael!!!!!!!!”

“Congratulations Michael! 🥰.”

“Congrats MV!!! 🔥.”

“Congratulations Michael 👏😍❤️ MABUHAY KA thank you for representing our country Philippines in international stage MAHAL KA NAMING LAHAT 😊😘❤️.”

“Congrats, chael!!!! Proud of youu❤️.”

Unang nakikila ng netizens si Michael nang maging bahagi ito bilang adult housemate sa “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” noong Oktubre 2021.