“Nostalgic feels” ang naramdaman ng millennial netizens nang magkasamang muli ang dating MYX VJs na sina Robi Domingo at Iya Villania-Arellano bilang hosts sa ginanap na contract signing sa pagitan ng GMA Network at ABS-CBN noong Miyerkules, Hunyo 28, 2023.

Silang dalawa ang nagpadaloy ng programa upang maisakatuparan ang makasaysayang pagsasanib-pwersa ng GMA network at ABS-CBN, upang maipalabas ang “It’s Showtime” sa GTV channel. 

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/06/29/atty-felipe-gozon-ng-gma-tv-war-is-finally-over/?fbclid=IwAR1-Sl8CmTBB4h1LgZC9rMv2wrhnMdFj0cLS5mLS_MxrGbaUjP3_sQ7Y9-s

“Your Choice. Your Music. ?? Really happy to reunite with one of my favorite VJs ever! THE ICONIC VJ @iyavillania! We’ve talked about work, family life, and how @myxglobal helped us in so many ways. Love you ate Iya! ?” mababasang caption sa Instagram post ni Robi.

Paslit na magkakapatid na sakay ng tricycle, patay sa bangga ng truck

Maraming netizens naman ang naka-miss sa dating music show ayon sa kanilang komento.

Nakakamiss manood ng MYX..yung tipong inaabangan mo yung MyX top 10 songs..??”

“your choice, your music ? nakakamiss”

“Ito talaga napansin ko kanina yung mga VJ ng MYX hope ate Nikki is also there.❤️”

“Myx talaga din naisip ko ng makita ko kayo together ❤️”

“My fave VJs in one frame. Bring back MYX ?✨️”

“two of my fave VJs reunited ???”

Matatandaang naging VJs sina Robi at Iya sa hit music show na “MYX” na unang umere noong 2000.