Ipinakilala na ang mga nagwagi sa ginanap na Mister International Philippines 2023 nitong Miyerkules, Hunyo 28, 2023 na idinaos sa Newport Performing Arts Theater sa Resorts World Manila.

Sa Facebook page ng Mister International Philippines, ipinakilala ang siyam na ginoo na nakasungkit ng kani-kanilang titulo at nakatakdang lumaban bilang kinatawan ng bansa.

Una na rito ay ang nasungkit ng pinakamataas na titulo na “Mister International Philippines 2023” na si Austin Cabatana mula sa Quezon City kung saan nakatakdang lumaban ngayong Setyembre na idaraos sa ating bansa.

Dalawang representative naman ng Pilipinas ang ilalaban sa susunod na taon sa “Mister National Universe 2023” na siyang nakuha nina Ruslan Kulikov ng Batangas City at Kenneth Aniban ng Cavite City.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

“Mister Earth International Philippines 2024” naman ang nakuhang titulo ni Nathaniel Tiu ng Cebu City kung saan mayroon pang isang taon para makapag-handa.

“Mister Charm Philippines 2023” ang nauwing titulo ni Ryan Cruz para sa kaniyang probinsya sa Cagayan.

“Mister Globe Philippines 2023” naman para kay Gabriel Bautista mula sa Pasig City.

Inaasahan ang back-to-back na panalo para kay Shawn Khrysler Sulit nang hiranging “Mister Beauté Internationale Philippines 2023.”

Para sa titulong “Mister Tourism International Philippines 2023” nakuha ito ni Lhenard Cardozo ng Taguig City.

Nakuha naman ni Phil Tungul na mula sa Lubao Pampanga ang huling titulo na “Mister Teen International Philippines 2024.”

Gayunman, wala pang detalye kung kailan at saan gaganapin ang karamihan sa nasabing pageants.