Ex-Puerto Princesa Mayor Hagedorn, guilty sa malversation

(Manila Bulletin File Photo)
Ex-Puerto Princesa Mayor Hagedorn, guilty sa malversation
Pinatawan ng Sandiganbayan na makulong ng hanggang pitong taon si dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagerdorn nang hindi nito isuko ang 14 na assault rifles sa pumalit sa kanya sa puwesto.
Sa desisyon ng anti-graft court, napatunayang nagkasala si Hagedorn sa kasong malversation kaya pinagmulta pa ito ng P490,000.
Pinagbawalan na rin siya ng korte na magtrabaho sa gobyerno habambuhay.
Nag-ugat ang kaso nang magreklamo ang humalili sa kanya na si Mayor Lucio Bayron na nagsabing hindi ibinalik ni Hagedorn ang mga nasabing baril na pag-aari ng local government unit nang matapos ang termino nito bilang alkalde noong 2013.
“(T)he prosecution was able to prove by moral certainty that the accused Hagedorn misappropriated the subject firearms. Aside from the fact that he was able to gain possession, custody, or control of the said firearms, the prosecution was able to prove that one of the subject firearms remains unaccounted for and nine have tampered serial numbers,” anang hukuman.
“(T)he court finds that not all of the subject firearms were turned over by accused Hagedorn,” dagdag pa ng Sandiganbayan.