Nanawagan ang isang senador na dapat ding magpatupad ang gobyerno ng umento sa suweldo sa mga probinsya.

Katwiran ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, kahit sa mga rural na lugar, nakararanas ng hirap ang mga residente dulot ng epekto ng pagtaas sa presyo ng mga bilihin, kasama na ang mas mahal na gasolina at singil sa kuryente.

Ang panawagan ay kasunod ng pag-apruba ng pamahalaan sa dagdag-suweldo na P40 sa minimum wage ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa Metro Manila.

Aniya, kailangang repasuhing muli ang kasalukuyang wage rate o antas ng sahod upang matiyak na makatwiran at makatotohanan ito para sa mga manggagawa sa lahat ng lalawigan sa bansa.

“Today’s minimum wage rates across the country are unacceptable. To increase our wage rates in every corner of the nation today is a matter of social justice given the prevailing challenges of inflation and its adverse effects on purchasing power," dagdag pa ng senador.