Nanguna ang University of the Philippines (UP) sa mga unibersidad sa Pilipinas na nakapasok sa QS World University Rankings 2024.

Sa tala ng Quacquarelli Symonds noong Martes, Hunyo 27, 2023, nakuha ng UP ang ika-404 na puwesto sa naturang QS World University Rankings.

Sinundan ito ng Ateneo de Manila University na nasa ika-563 na ranggo sa listahan.

Napasama rin sa ranking ang De La Salle University na nasa 681-690 bracket; ang University of Santo Tomas na nasa 801-850 bracket, at ang University of San Carlos sa Cebu na nasa 1201-1400 bracket.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Tinatampok umano ng ika-20 na edisyon ng QS World University Rankings ang 1,500 na mga institusyon mula sa 104 na mga lugar sa buong mundo.

“This year, we've implemented our largest-ever methodological enhancement, introducing three new metrics: Sustainability, Employment Outcomes and International Research Network,” anang Quacquarelli Symonds.

“The results draw on the analysis of 17.5m academic papers and the expert opinions of over 240,000 academic faculty and employers,” dagdag nito.