Balita
  • BALITA
    • Probinsya
  • SHOWBIZ
  • SPORTS
  • FEATURES
  • OPINYON
  • July 11, 2026

    Home
    arrow
    BALITA
    arrow
    National
    arrow

    Umento sa sahod sa private sector, malapit nang ipatupad -- Marcos

    Umento sa sahod sa private sector, malapit nang ipatupad -- Marcos

    By
    Rommel Tabbad
    June 29, 2023
    In
    BALITA National
    Umento sa sahod sa private sector, malapit nang ipatupad -- Marcos
    (Manila Bulletin File Photo)

    Umento sa sahod sa private sector, malapit nang ipatupad -- Marcos

    By Rommel Tabbad
    June 29, 2023
    In BALITA National

    Ibahagi

    Malapit nang ipatupad ang pagtaas ng suweldo sa bansa upang matiyak na mapoprotektahan ang sektor ng paggawa mula sa mabilis na paglawak ng ekonomiya.

    Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa naganap na courtesy call ni International Labor Organization (ILO) Director General Gilbert Houngbo sa Malacañang nitong Martes.

    Aniya, makikipagpulong ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga manggagawa, labor union at organisasyon upang mabalanse at mapakalma ang tinatawag na "inflationary measures" sa mga manggagawa.

    “But I think our negotiations with workers, with the unions, with the different negotiations, we will be able to come to a good working number, a good compromise,” anang Pangulo.

    Sa kasalukuyan, naglalaro ang minimum wage sa pagitan ng P372 at P470, depende sa rehiyon kung saan matatagpuan ang negosyo.

    “When there is rapid industrialization and rapid expansion of the economy, there is a tendency to leave the labor sector behind and just exploit the labor sector. Our workers, of course, are asking for a (wage) increase, workers in those small businesses. We might drive the businesses out because they (employers) cannot pay because they are too small,” pahabol pa ng punong ehekutibo.

    Nangako naman si Labor Secretary Bienvenido Laguesma na dumalo rin sa pagpupulong, na mareresolba ang usapin sa loob ng isang linggo.

    Inirerekomendang balita

    Usap-usapang University of Prison, ibinida ni Sen. Robin!

    Usap-usapang University of Prison, ibinida ni Sen. Robin!

    Ipinagtanggol ni Sen. Robin Padilla ang kaniyang naging pahayag tungkol sa pagtatapos umano niya sa tinawag niyang “University of Prison,” kasunod ng mga reaksyon at puna mula sa publiko matapos niyang banggitin ito sa gitna ng impeachment trial sa Senado. Ayon sa senador, ipinagmamalaki niya ang tatlong taong pananatili sa kulungan dahil dito umano niya natutunan ang mahahalagang aral sa...

    First tranche na ₱60 sa NCR wage hike, epektibo na sa Hulyo 15!

    First tranche na ₱60 sa NCR wage hike, epektibo na sa Hulyo 15!

    Magsisimula nang ipatupad sa Hulyo 25 ang unang bahagi ng ₱85 na dagdag sa minimum na arawang sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR), ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE). Sa ilalim ng bagong wage order, unang matatanggap ng mga minimum wage earner ang ₱60 dagdag sa kanilang arawang kita, habang ang natitirang ₱25 ay ipatutupad naman sa Enero 2027 bilang...

    ₱7M halaga ng isda, ninakaw at kinatay sa CR!

    ₱7M halaga ng isda, ninakaw at kinatay sa CR!

    Arestado ang tatlong manggagawa matapos silang masangkot sa umano'y pagkuha at pagkatay sa isang mamahaling arapaima fish na inaalagaan sa loob ng isang resort sa bayan ng Pagbilao, Quezon. Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, namataan umano ang mga suspek na magkatuwang na inilalabas ang malaking isda mula sa fishpond ng resort bago ito dinala sa kanilang tinutuluyang quarters sa loob ng...

    Features

    FEATURES

    1

    Live action ‘Naruto’ nasa pre-production na; global casting, umaarangkada!

    July 10, 2026

    FEATURES

    2

    ALAMIN: Batanes, ang lalawigang pagmamay-ari ng Pilipinas

    July 10, 2026

    FEATURES

    3

    ALAMIN: Mga dapat abangan sa week 2 ng impeachment trial!

    July 10, 2026

    FEATURES

    4

    ALAMIN: Mga dapat at di dapat gawin sa pag-aalaga ng kuting

    July 10, 2026

    FEATURES

    5

    Ilang malls, nagbukas ng libreng overnight parking dahil kay ‘Inday’

    July 09, 2026

    FEATURES

    6

    ALAMIN: Mga hakbang ng pamahalaan para mapanatiling mababa inflation rate sa bansa

    July 08, 2026

    FEATURES

    7

    'Bloodied but unbowed' ni VP Sara, hango sa paboritong tula ni FPRRD

    July 08, 2026

    FEATURES

    8

    KILATISIN: Si Atty. Carlo Narvasa ng defense team

    July 07, 2026

    Opinyon

    No author #KaFaithTalks: Bakit hindi natutupad lahat ng plano sa buhay? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: ‘Survival mode na lang’ Posible pa bang umangat sa buhay ngayon? Sean Antonio
    No author #KaFaithTalks: Ang Diyos na patuloy nagpapala sa kasagsagan ng krisis Sean Antonio
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok Nicole Therise Marcelo
    Nicole Therise Marcelo #KaFaithTalks: Tayo rin si ‘Barabbas’ Nicole Therise Marcelo
    BALITA SPORTS SHOWBIZ FEATURES OPINYON
    About Privacy & Policy Advertise Contact
    Balita