Binalaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang publiko kaugnay sa pagkalat ng nakamamatay na dikya o jellyfish sa mga tabing-dagat.

Ito ay kasunod na rin ng pagkasawi ng isang turista matapos kagatin ng dikya sa Santa Fe, Bantayan, Cebu kamakailan.

Idinahilan ni BFAR Region 7 (Western Visayas) Director Allan Poquita, panahon pa ngayon ng mga dikya (mula Abril hanggang Hunyo) kaya lumilitaw ang mga ito sa mga tabing-dagat.

Nilinaw din ni Poquita na hindi lahat ng jellyfish ay nakamamatay.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nitong Hunyo 25, nasawi si Leslie Ann Madronero, 31, taga-Bohol, matapos sakmalin ng dikya sa Santa Fe, Bantayan, Cebu.

Kabilang aniya sa first-aid treatment ay ang pagpahid ng langis sa mga kagat nito.

Hinikayat din nito ang publiko na huwag gumamit ng suka (vinegar) dahil nagpapalala lamang umano ito sa kalagayan ng biktima.

Pinayuhan din nito ang publiko na huwag lumusong kapag nakakita ng mga dikya.

Calvin Cordova