Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang probinsya ng Surigao del Norte nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 7:30 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 100 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Burgos, Surigao del Norte, na may lalim na 5 kilometro.

Pinag-iingat ng Phivolcs ang mga residente sa kalapit sa lugar sa posibleng aftershocks ng lindol, ngunit hindi naman umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon