Ibinida ni Megastar Sharon Cuneta na makakasama siya sa unang episode ng bagong noontime show ng TVJ sa TV5 sa darating na Sabado, Hulyo 1, 2023.

Giit ni Mega sa kaniyang Instagram post ngayong Huwebes, Hunyo 29, bagama't mahal niya ang home studio na ABS-CBN, sasamahan na muna niya sina dating senate president Tito Sotto III, Vic Sotto, at Joey De Leon sa paglulunsad ng bagong noontime show sa TV5, matapos nilang layasan ang "Eat Bulaga!' ng TAPE, Inc. sa GMA Network.

Bago pa man magkaroon ng "legit Dabarkads" o si Ice Seguerra, siya muna ang naging baby ng TVJ na nagsimula pa noong nasa RPN-9 pa ang unang tahanan ng trio.

"See you on July 1!!! Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN," ani Sharon sa kaniyang Instagram post ngayong Hunyo 29, Huwebes.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

"I have a 44-year history with Eat Bulaga-- I used to appear there regularly starting in their first home, RPN-9, in my St. Paul uniform without makeup! As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my Eat Bulaga family."

"My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988. Wala pang legit Dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa Eat Bulaga noon, ako na ang baby nila! And I will be there for them whenever they call me."

"It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards Eat Bulaga! No one can ever put a beloved institution down," dagdag pa ni Shawie.

Sa tanong naman ng netizen kung mananatili pa rin siya bilang Kapamilya, "Of course! But I started with Eat Bulaga and we are family!"

Sa Hulyo 1 na ang grand launching ng bagong noontime show ng TVJ at "legit Dabarkads," gayundin ang unang appearance ng "It's Showtime" sa GTV channel ng GMA Network.