Nanguna ang Palawan sa mga tourist destination sa Pilipinas na nais puntahan ng mga Pilipino, ayon sa pinakabagong PAHAYAG survey na inilabas ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Huwebes, Hunyo 29.

Sa naturang survey ng PUBLiCUS Asia, 23% ng respondents ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na bisitahin ang Palawan.

“Known for its stunning beaches, crystal-clear waters, and rich marine biodiversity, Palawan has captured the hearts of many Filipinos,” anang PUBLiCUS Asia.

Naging pangalawa naman umano sa mga pinakagustong puntahan ng mga Pilipino ang Summer Capital of the Philippines na Baguio City matapos itong makatanggap ng 16% na boto, habang nasa pangatlo at pang-apat na puwesto ang Cebu at Siargao na parehong nakatanggap ng 9% na boto mula sa respondents.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“Famous for its cool climate, scenic landscapes, and vibrant culture, Baguio City continues to attract travelers seeking a unique experience,” saad ng PUBLiCUS Asia.

“Notably, Cebu stood out as the preferred destination among Visayans, with a significant 21% of respondents from the region expressing their interest in visiting the province. Siargao, on the other hand, captivated the attention of Mindanaoans, with 13% of respondents from the region selecting it as their preferred destination,” dagdag nito.

Samantala, hinirang na top 5 ang Aklan na tahanan ng Boracay Island, kung saan 8% umano ng respondents ang nais magpunta rito.

Naging pang-anim naman ang Batanes na nakakuha ng 6% na boto ng mga Pinoy.

“The stunning beaches and vibrant nightlife of Boracay continue to attract visitors from around the world. Batanes, with its picturesque landscapes and unique culture, secured 6% of the respondents’ preference, particularly favored by residents of North-Central Luzon, with a significant 10% expressing their desire to visit,” anang PUBLiCUS Asia.

Tinapos ng Bohol at Davao ang listahan, kung saan naging pangpito ang Bohol na may 4% na boto at pangwalo ang Davao na may 3% ng boto mula sa respondents.

“Davao, popular for its natural wonders and vibrant city life, resonated well with Mindanaoans, with 10% of respondents from the region showing interest in exploring the province,” saad ng PUBLiCUS Asia.

Isinagawa umano ng PUBLiCUS Asia ang nasabing survey mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 12, 2023, at may 1,500 mga rehistradong Pilipino bilang mga respondente.

“The survey results underline the diverse preferences and interests of Filipinos when it comes to travel destinations. The enchanting beauty of Palawan, the charm of Baguio City, and the cultural experiences offered by Cebu, Siargao, Aklan, Batanes, Bohol, and Davao have all contributed to their popularity among travelers,” anang PUBLiCUS Asia.

“The Department of Tourism (DOT) of the Philippines has reaffirmed its commitment to showcasing the unparalleled beauty and attractions of the country with the launch of its new tagline, ‘LOVE the Philippines.’ This new tagline encapsulates the spirit of appreciation and admiration for the diverse landscapes, rich culture, and warm hospitality that the Philippines has to offer,” dagdag nito.

MAKI-BALITA: DOT, inilunsad ‘Love the Philippines’ campaign