Naka-archive na muna ang kinakaharap na kaso nina dating Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag at Ricardo Zulueta na dating deputy ng National Bilibid Prison (NBP) kaugnay ng pamamaslang sa presong si Cristito Villamor noong Oktubre 2022.

Ang nasabing hakbang ay inilabas ni Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 Judge Gener Gito dahil hindi pa naaaresto sina Bantag at Zulueta.

Ayon sa kautusan ng hukuman, ang usapin ay may kaugnayan sa pamamaslang kay Villamor sa loob ng NBP noong Oktubre 18, 2022.

Si Villamor ay "middleman" sa pagpatay kay veteran broadcaster Percival "Percy Lapid" Mabasa sa Las Piñas City noong Oktubre 3, 2022.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon