Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng gabi, Hunyo 29, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 9:52 ng gabi.

Namataan ang epicenter nito 67 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Sarangani Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 73 kilometro.

Naitala ang Instrumental Intensity II sa Malungon, Sarangani.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.