Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Huwebes ng hapon, Hunyo 29, 2023, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 4:08 ng hapon.

Namataan ang epicenter nito 398 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidenta, na may lalim na 36 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol. 

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Hindi rin umano inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.