Arestado ang isang 64-anyos na babaeng Canadian matapos mahulihan ng ₱48.6 milyong shabu sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Bureau of Customs (BOC) ang suspek na si Mary Jane Marais, 64, na holder ng Canadian passport.

Nasamsam sa kanya ang pitong kilo ng illegal drugs pagdating nito sa NAIA Terminal 1 mula sa mula sa Narita, Japan via Japan Airline Flight No. JAL741, dakong 1:00 ng hapon.

Ang nasabing droga na aabot sa ₱48.6 milyon ay nasamsam sa bagahe ni Marais.

Nakabalot pa ng wrapper ng chocolate candy ang ilegal na droga na mula sa Mexico nang masamsam ng BOC.

Politics

Sen. Robin, Sen. Kiko nagkainitan matapos pag-usapan inabot ni Sen. Bato sa Senado

Hawak na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek habang inihahanda pa ang kaso laban sa kanya.