Bilang ng nagpapaturok ng bivalent Covid-19 vaccine sa Maynila, maliit pa!
Matumal ang bakunahan ng bivalent coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccine sa Maynila.
Sa Balitaan ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA) sa isang restaurant sa lungsod nitong Huwebes, sinabi ni Mayor Honey Lacuna na nasa 32,000 doses ng bivalent vaccine ang inilaan ng national government sa Maynila.
Sa ngayon aniya ay mga health worker pa lamang naman ang kanilang tinuturukan.
Gayunman, kakaunti pa lamang sa mga ito ang nakakatanggap ng bakuna dahil marami pa rin sa kanila ang wala pa second booster shot.
Aniya, tuturukan na rin nila ang mga senior citizens na kasama sa priority na mabigyan ng unang batch ng bivalent vaccines sa mga susunod na araw.