Idineklara ng National Museum of the Philippines ang National Shrine of Our Lady of Perpetual Help o Baclaran Church sa Parañaque City bilang isang important cultural property.

Itinampok ang naturang deklarasyon noong Martes, Hunyo 27, 2023, sa pamamagitan ng misa at paglalahad ng historical marker na nagtatalaga sa Baclaran Church bilang isang important cultural property.

Dumalo umano sa naturang seremonya sina Mayor Eric Olivarez at Rep. Edwin Olivarez, maging sina Rev. Fr. Rogerio Gomes C.Ss.R., National Museum archeologist Dr. Mary Jane Bolunia, at Chief of Staff, Atty. Fernando “Ding” Soriano.

Ayon kay Rep. Olivarez, unang nagsimula ang anibersaryo ng Novena mass noong Hunyo 26, 1948 na pinangunahan ni Fr. Dennis Grogan at dinaluhan ng 70 deboto.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Sa ulat ng CBCP, sinabi naman ni Dr. Bolunia na natutuwa silang bigyan ng karangalan ang Baclaran Church na naging bahagi umano ng kultura ng bansa habang patuloy itong umuunlad sa paglipas ng panahon.

“I hope the marker will serve as a reminder for us to cherish this gift of faith that we have embraced and the place where the faith has taken its root,” aniya.

Ang mga important cultural property, na maituturing na mga katangiang pangkultura na nagtataglay ng “exceptional cultural, artistic, at historical significance,” ay maaari umanong makatanggap ng subsidyo mula sa pamahalaan para sa kanilang pangangalaga at konserbasyon.