Nagmula mismo kay GMA Network Chairman Atty. Felipe Gozon na tapos na ang tinatawag na "TV war" dahil sa makasaysayang pagsasanib-puwersa ng kanilang network at dating mahigpit na karibal na ABS-CBN, upang maipalabas ang "It's Showtime" sa GTV channel.

Ang GTV channel 27 ay sister network ng Kapuso Network kung saan madalas na ipinalalabas ang ilang shows ng GMA News and Public Affairs.

Mula mismo kay Atty. Gozon, malugod nilang tinatanggap ang It's Showtime sa kanilang tahanan, kagaya rin ng kanilang pagsasanib puwersa ng ABS-CBN sa co-production ng "Unbreak My Heart."

Nasabi pa ni Gozon na ito ay maaaring pagsisimula na rin ng iba pang mga pinto ng collaboration sa pagitan ng dalawang network, habang sila raw ay nag-uusap nina Mark Lopez at Carlo Katigbak, dalawa sa executives ng Kapamilya Network.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

"Puwede na natin sabihin ngayon, without any fear of contradiction, na 'yong competition, o 'yong tinatawag ng mga media practitioners na TV war, is finally over," ani Gozon.

"Ang talagang makikinabang nito ay, of course, 'yong mga manonood. Of course nakikinabang din itong ABS and GMA," dagdag pa niya.

"Malugod naming tinatanggap ang popular program na 'It's Showtime' at ang magagandan at maraming talents na bumubuo nito, na pinangungunahan ni Vice Ganda."

"Hindi lamang 'yon, nagagalak din kami na pinili ng ABS-CBN na ilipat ang programang ito sa GTV," dagdag pa ni Gozon.