Inaasikaso na ng pamahalaan ang papeles ng tatlong Pinoy na pinalaya ng United Arab Emirates (UAE) sa bilangguan kamakailan.

Ito ang isinapubliko ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Raymund Cortes nitong Miyerkules.

Plano aniya ng gobyerno na maisagawa ang pagpapauwi sa mga ito sa susunod na buwan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dalawa sa mga ito ay dati nang hinatulan ng kamatayan dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga. Gayunman, binigyan sila ng kapatawaran ng Pangulo ng UAE bilang tugon sa kahilingan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Dati namang nakulong sa UAE ang ikatlong Pinoy dahil sa cybercrime.