Inaprubahan na ang ₱40 na umento sa arawang sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Huwebes, Hunyo 29, 2023.

Ayon sa DOLE, inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (NCR) ang naturang gagdag-sahod noong Hunyo 26, 2023, at magiging epektibo ito simula sa Hulyo 16, 2023.

Mula ₱570, magiging ₱610 na umano ang daily wage para sa non-agricultural sector, habang magiging ₱573 naman ang dating ₱533 daily wage para sa agricultural sector.

Ito ay nakabase umano sa Board’s Wage Order No. NCR-24 na pinagtibay ng National Wages and Productivity Commission (NWPC).

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

“The new rates, which translate to a 7% increase from the prevailing daily minimum wage rates in the region, remain above the regional poverty threshold of PhP452 per day for a family of five,” pahayag ng DOLE.

“These likewise result in a comparable 7% increase in wage-related benefits covering 13th-month pay, service incentive leave (SIL), and social security benefits such as SSS, PhilHealth and Pag-BIG,” dagdag nito.

Hindi naman umano saklaw ang Barangay Micro Business Enterprises (BMBEs) ng minimum wage law alinsunod sa Republic Act No. 9178.

Maaari ring mag-apply para sa exemption ng umento sa sahod ang mga retail at service establishment na may hindi hihigit sa 10 manggagawa, at mga negosyong apektado ng mga kalamidad.