Naibahagi ni Unkabogable Star Vice Ganda na pakiramdam daw nila, sila ang naging "casualty" sa naging problema ng TVJ at "Eat Bulaga!" noong nasa GMA Network pa ito.

"Parang tayo yung tinamaan ng mga kanyon na binala nila," natatawang hirit ni Vice Ganda.

Kung tutuusin, okay naman daw ang lahat subalit sumiklab na nga ang problema ng TVJ sa TAPE, Inc.

"Yung mga desisyon nila, malaking-malaki ang naging epekto sa amin, na nananahimik," sey pa ni Vice. 'Pero hindi rin namin puwedeng sisihin ang TVJ kasi lahat naman kami gusto lang magtrabaho. Lahat naman kami may pinaglalabang bahay. Lahat kami may pinaglalabang programa. Lahat kami may pinaglalabang audience na gustong pagsilbihan. Wala tayong magagawa. Tatanggapin natin 'yon, hindi man masyadong pabor sa atin, but again hindi natin puwedeng i-take 'yon against them kasi nagtatrabaho lang naman din sila," paliwanag pa ni Vice.

National

27 volcanic earthquakes, naitala mula sa Bulkang Kanlaon

Natanong din ng kausap ni Vice (na hindi niya pinakita) kung may galit ba siya sa TV5.

"Ay wala. Wala akong galit sa TV5. Nalungkot ako sa naging desisyon ng TV5 kasi siyempre hindi pabor sa amin 'yon eh, siyempre sa buhay naman, mas masaya tayo kapag ang mga nangyayari eh pabor sa atin, pero, hindi sa lahat ng pagkakataon, eh magiging pabor sa 'yo ang oras, ang pangyayari, ang mga desisyon. May mga pagkakataong may mapapaborang iba. Masakit man, malungkot man sa damdamin pero kailangan mong tanggapin 'yon at kailangan mong irespeto 'yon."

"Masaktan man kami, nasaktan man ako, nalungkot man ako, hindi puwedeng mawala sa amin 'yong pasasalamat sa TV5, ang laki ng itinulong nila sa amin ha, kaya nga excited kami noong nakapasok kami sa TV5, 12:45 yata 'yon, masayang-masaya kami, kita mo naman 'yong opening namin..."

"Hindi kami puwedeng magalit sa kanila kasi napasaya nila kami eh, minsan sa buhay namin, tinulungan nila kami. Minsan sa buhay namin nakaramdam kami ng pagdiriwang at kasiyahan dahil sa tulong nila. And that will forever be one great reasons to be grateful to them. Maraming-maraming salamat sa TV5," dagdag pa ni Vice.

MAKI-BALITA: Vice Ganda nagsalita sa mga nangyayari sa ‘It’s Showtime’