'Pagmamahal sa sariling bayan, ipakita' -- DOT
Kinukumbinsi ng Department of Tourism (DOT) ang mga Pinoy na ipakita at ibahagi ang kanilang pagmamahal sa sariling bayan.
Idinahilan ni DOT Secretary Christina Frasco, ang bagong slogan ng bansa na "Love the Philippines" ay hindi lamang kampanya kundi panawagan sa mga Pinoy na ipagmalaki ang kanilang lupang sinilangan.
Sinabi ni Frasco, matapos ang kasagsagan ng pandemya ng coronavirus disease 2019, nagbago na ang prioridad ng mga turista at manlalakbay saan binibigyan na nila ng halaga ang karanasan, kultura at pamana ng mga lugar na kanilang pinupuntahan.
"We're trying give the Philippines a competitive edge by heralding and marketing to the world that we have so much to offer, we have fun and many other things including our adventures, foods, the love and warmth of our Filipino people, experiences, our history, our faith, our various indigenous people, the work for the safeguard of the Filipino people identity," anang opisyal.
Sinabing malaki rin ang naiambag ng domestic tourism sa ekonomiya ng Pilipinas.