Halos ₱1M tinistis na kahoy, naharang sa N. Vizcaya
Halos ₱1 milyong halaga ng tinistis na kahoy ang nasamsam ng pulisya at tauhan ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) sa Aritao, Nueva Vizcaya nitong Miyerkules na ikinaaresto ng tatlong suspek.
Hindi na binanggit ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng tatlong suspek.
Sa paunang report ng Aritao Municipal Police Station, naglatag sila ng anti-illegal logging operation sa Purok 3, Barangay Calitlitan nang sitahin nila ang nasabing aluminum van.
Napilitang kumpiskahin ng pulisya ang mga kahoy nang walang maipakitang papeles ang tatlong suspek
Ipiniit muna ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).