Nagbabala muli ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa isang Facebook account na ginagamit ang pangalan ng ahensya upang makapanloko.

"Hinihingi po namin ang inyong kooperasyon sa pag-re-report ng naturang account at pati na rin ang iba pang accounts na may post na hindi galing sa mga opisyal na account ng DSWD para ito ay agad ma-take down at hindi na muling makapanloko pa ng iba nating kababayan," babala ng DSWD.

"Huwag magpalinlang! Ang https://www.facebook.com/DSWDPHILIPPINES ay FAKE account na ginagamit ang pangalan at logo ng DSWD sa panloloko ng mga kliyente ng Kagawaran. Walang ganitong programa o anumang panuntunan ang DSWD," anang ahensya.

Pinayuhan ng ahensya ang publiko na huwag pindutin o mag-click ng mga kaduda-dudang link na ipinapadala sa mga messenger, post sa Facebook group at text messages.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"Upang maging updated sa mga programa ng DSWD, bisitahin lamang ang opisyal na website sa https://www.dswd.gov.ph at sundan ang mga opisyal na social media account na Facebook, Twitter, at YouTube sa @dswdserves at Instagram sa @dswdphilippines," pahabol pa ng ahensya.