Dinisbar na ng Supreme Court ang kontrobersyal na abogado na si Larry Gadon kaugnay sa kanyang video sa social media kung saan pinagmumura nito ang mamamahayag na si Raissa Robles noong Disyembre 2021.
Gayunman, tiniyak ni Gadon na hindi makaaapekto sa kanyang trabaho bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation ang naturang hakbang ng Korte Suprema.
"I will just approach this issue (as) a personal concern, file a motion for reconsideration and proceed in facing the challenges of the job and aim to serve the public in my best capability," banggit ni Gadon.
"Anyway, I have a new mandate now. I am here to serve as a secretary, not as a lawyer. I will just continue to serve the Filipino people," pagdidiin ni Gadon.
Binanggit din ng SC sa kanilang desisyon na ang naging aksyon ni Gadon laban kay Robles ay "nakahihiya at nakasisira sa legal profession."
Joseph Pedrajas