Tuloy-tuloy na maipalalabas sa TV5 Kapatid Network ang ilang ABS-CBN Kapamilya shows sa loob ng limang taon, matapos ang contract-signing event ng dalawang network.

Present sa nabanggit na contract-signing event ang mga ehekutibo ng dalawang network, sa pangunguna nina ABS-CBN Chairman Mark Lopez at MediaQuest Holdings Chair Manny Pangilinan.

Sa kabila ng isyu tungkol sa paglipat ng "It's Showtime" sa GTV channel ng GMA Network, tuloy-tuloy na mapapanood sa TV5 ang ilan sa top-rated programs ng Kapamilya Network gaya ng "FPJ's "Batang Quiapo," "The Iron Heart," "Dirty Linen," at "The Tale of Nokdu" sa Primetime Bida mula Lunes hanggang Biyernes.

Tuwing weekends naman, mapapanood ang "Everybody Sing" ni Vice Ganda ng Sabado ng gabi at "ASAP Natin 'To" sa Linggo ng tanghali.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi lamang iyan, dahil may collaboration series na ring nakalinya ang dalawang network: ang "Pira-Pirasong Paraiso" at "Nagbabagang Damdamin."

Sa ulat ng Manila Bulletin Entertainment, nagbigay ng mensahe ang TV5 President at CEO na si Guido R. Zaballero hinggil dito.

"We are committed to deliver content that the Filipino viewers enjoy. ABS-CBN is a valuable partner that will enable TV5 to bring compelling content and innovative shows that Filipinos will love," aniya.