Matapos lumabas ang balitang naghain ng counter-affidavit ang ex-partner na si Lee O'Brian laban sa deportation at visa cancellation case na nauna na niyang naihain laban dito, ibinahagi ni Pokwang sa kaniyang Instagram story ang kaniyang paninindigang kailangan na itong "masipa" pabalik ng Amerika.

Sa isang art card, mababasa ang kaniyang stand patungkol dito, sa tulong ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ralph Calinisan.

Nasusulat, "We maintain that Mr. William Lee O'Brian must be deported immediately from the Philippines."

"Undesirable aliens have no place in this country. With this case we are pursuing, we are putting a stop to the gross manipulation of Philippine immigration laws and the acts of abuse against our client, Ms. Marietta Subong (tunay na pangalan ni Pokwang)."

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"The Philippines must be a safe place for everyone, especially us Filipinos."

Screenshot mula sa IG ni Pokwang

Samantala, sinabi ni O'Brian na kahit may legal battle sila ni Pokwang ay mananatili ang paggalang niya rito at pagmamahal naman sa anak nilang si Malia.

Nakiusap din siya sa Bureau of Immigration na sana raw ay maging "just" o patas ang maging desisyon sa kaso, dahil ang complainant daw ay "sikat at very influential."

MAKI-BALITA: Lee O’Brian, nilinaw na may respeto pa rin kay Pokwang, mahal na mahal ang anak

MAKI-BALITA: ‘Sikat at influential daw ang complainant!’ O’Brian may panawagan sa BI