Inihayag ng PUBLiCUS Asia Inc. nitong Martes, Hunyo 27, na ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang ahensya ng gobyerno na nakakuha ng pinakamataas na approval at trust ratings sa bansa.
Sa PAHAYAG Q2 Survey Results ng PUBLiCUS Asia, nakakuha umano ang TESDA ng 72% approval rating at 58% trust rating.
“TESDA’s commitment to providing quality technical education and skills training has garnered widespread support,” anang PUBLiCUS Asia.
Samantala, nakaranas umano ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng bahagyang pagbaba sa approval rating nito sa 66% at trust rating sa 56%, na ngayon ay kasama na sa pangalawa at pangatlong posisyon ng Department of Science and Technology (DOST).
Nakuha naman ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pang-apat ng puwesto matapos magkaroon ng approval rating na 65%.
“While the majority of government agencies have maintained a stable approval rating, the Department of Tourism (DOT) and Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) have seen a decrease in their approval ratings, landing in fifth and sixth spots respectively,” anang PUBLiCUS Asia.
Napanatili naman ng Department of Education (DepEd) at ng Commission on Higher Education (CHED) ang kanilang approval rating sa 63%. Samantala, nagkaroon din ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng bahagyang pagtaas ng approval rating nito sa 60%, mula sa 58%.
Napanatili rin umano ng DepEd at CHED ang trust rating na 52%, malapit na sinundan ng BSP at DSWD sa 51%. Kasabay nito, nakaposisyon ang trust rating ng DOT sa 49% at DOLE sa 46%.
“It is worth noting that the Department of Health (DOH) has witnessed a gradual increase in public approval (62%) and trust (50%) over the past several quarters, gaining an impressive 12 percentage points compared to the first quarter of 2022,” saad ng PUBLiCUS Asia.
“The Philippine National Police (PNP) faced a dreadful fate as its approval rating significantly dropped to 49% from 54% and its trust rating to 39% from 43% this Q2 compared to Q1, respectively,” dagdag nito.
Isinagawa umano ng PUBLiCUS Asia ang nasabing independent at non-commissioned survey mula Hunyo 7 hanggang Hunyo 12, at mayroong 1,500 mga rehistradong Pilipino bilang mga respondente.