Bagong makasasama ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, ang  kasamahang sportscaster na si Migs Bustos sa nagbabalik na “My Puhunan” na mapanonood na sa darating na Hulyo 26, 2023.

Matatandaang nakilala ang “My Puhunan” sa pagbibigay-kaalaman sa viewers pagdating sa mundo ng negosyo mapa-malaki o maliit man ito.

Kumpirmado na ang pagbabalik telebisyon nito matapos ibahagi ng opisyal na Facebook page ng My Puhunan ang kanilang teaser video kung saan makikitang magkasama bilang hosts ng programa ang original host nito na si Karen at idagdag pa nga si Migs.

“MAGBABALIK NA! Magbubukas na muli ang pintuan ng oportunidad at tagumpay sa ‘#MyPuhunan: Kaya Mo!' Samahan sina Karen Davila at Migs Bustos na kilalanin ang mga matatagumpay na negosyante at ang mga Kapamilyang umasenso sa iba't ibang larangan.” mababasang caption sa Facebook post kahapon ng Lunes, Hunyo 26, 2023.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Maraming netizens naman ang nagpaabot ng kanilang pagbati sa bagong host ng nasabing programa matapos ibahagi rin nito sa kaniyang Instagram post ang hatid niyang magandang balita ngayong araw ng Martes, 27, 2023. 

Pagbating sagad Migs!”

“Congrats po and excited for the #myuhunan comeback! 🤩”

“Huge congrats, Sir Migs!!! 👏✨ What a comeback of My Puhunan with KD and Sir Migs tandem! 😊”

“Wow! You've gone a long way!! Congratulations!”

“You deserve it 🙌🏻”

Mapanonood naman ang My Puhunan sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z at sa iba pang ABS-CBN News online platforms.