PAMPANGA – Arestado ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR at lokal na pulisya sa North Edsa, Quezon City nitong Lunes ng gabi, Hunyo 26, ang isang live-in-partner na umano'y sangkot sa bultong pamamahagi ng shabu sa Metro Manila at mga kalapit na bayan ng Bulacan.

Nasa ₱680,000 halaga ng crystal meth (shabu) ang nasabat ng mga anti-narcotic operatives sa isang buy-bust operation sa isang mall parking lot.

Halos isang buwan nang naka-surveillance ang PDEA Central Luzon bago naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Arnel Capulong at Neralyn Ocampo.

Narekober sa isinagawang operasyon ang nasa 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱680,000.00 at marked money.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Magkatuwang na isinagawa umano ng mga operatiba ang operasyon sa pangunguna ng PDEA Central Luzon, PDEA-NCR at lokal na pulisya.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 (sale of dangerous drugs) na may kaugnayan sa section 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165 ay para sa pagsasampa sa korte.