Ipinagdiinan ng American actor na si Lee O'Brian na kahit may legal battle sa pagitan nila ng ex-partner na si Pokwang, mataas pa rin ang respeto niya rito, ayon sa panayam ni MJ Marfori nitong Lunes, Hunyo 26.

Ibinalita ni O'Brian na nagsampa siya ng counter-affidavit laban sa inihaing deportation case sa kaniya ng dating karelasyon at ina ng anak niyang si Malia.

Paglilinaw ni O'Brian, kahit ganito ang sitwasyon nila, mataas pa rin ang pagrespeto niya kay Pokwang.

"There we go. Just filed a counter affidavit to the complaint filed by Marietta Subong (Pokwang). You know what I'd like to say is first of all, above everything, I always have respect for the mother of my child," aniya.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Pagdating naman sa kanilang anak, sinabi ni O'Brian na mahal na mahal niya si Malia at interes nito ang kaniyang inuuna.

"...because this is kind of a quasi-judicial issue for the Bureau of Immigration, I can't comment on details... but I want to say something, that from the beginning, throughout until today and beyond from here on out, I always put the best interest of my daughter first. I love my daughter more than anything..." aniya.

Samantala, ibinahagi naman ni Mamang Pokie sa kaniyang Instagram story ang paninindigan niya sa deportation case, sa pamamagitan ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ralph Calinisan.

MAKI-BALITA: ‘Sikat at influential daw ang complainant!’ O’Brian may panawagan sa BI